Palasyo, nanawagan sa publiko na respetuhin ang independence ng Comelec

Nanawagan ang Palasyo sa publiko na respetuhin ang independence ng Commission on Elections.

Inihayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa gitna ng mga batikos na natatanggap ng Comelec dahil sa pagpapatanggal nito sa mga oversized campaign materials na ikinabit sa private properties.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Sinabi ni Nograles na dapat ay respetuhin ang independence ng Comelec, lalo na at panahon na ng eleksyon ngayon.

Aniya, meron naman legal na paraan na pwedeng gamitin para matugunan ang mga reklamo.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Matatandaan na sinabi ng ilang presidential aspirants kamakailan na dapat ay respetuhin ng Comelec ang karapatan ng mga tao sa malayang pamamahayag, kung saan ay kabilang rito ang pagsabit ng posters sa mga private property.