DENR Secretary Roy Cimatu, nagbitiw sa tungkulin

Nagbitiw si Environment Secretary Roy Cimatu mula sa pusisyon matapos ang limang taon nitong pangunahan ang Department of Environment and Natural Resources.

Sinabi ni Cimatu na dahil ito sa health reasons.

Wala nang ibang detalye na ibinigay ang kalihim.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Sa isa naman pahayag ay kinumpirma ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles ang pag-alis ni Cimatu.

Ayon kay Nograles, hiling nila ang good health para kay Cimatu kasabay ng pag-transition nito mula sa kaniyang mahabang dekada na magandang pagseserbisyo sa gobyerno papunta sa pribadong pamumuhay.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Samantala, sinabi sa memorandum mula sa Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pansamantalang mauupo si Undersecretary Jim Sampulna bilang officer-in-charge ng departamento hanggang sa wala pang naitatalagang kapalit ni Cimatu.