Face mask policy, mananatili hanggang hindi pa natatapos ang pandemya – Galvez

Inihayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask hanggang hindi pa natatapos ang pandemya.

Sinabi ni Galvez, na nagsisilbi rin bilang vaccine czar, na wala pang mga diskusyon kaugnay sa pag-alis ng polisiya sa face mask.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Aniya, ang pagsusuot ng face mask ay ang pinakahuling polisiya na dapat tanggalin.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Una nang sinabi ng vaccine czar na “most likely” ay aalisin angh mandatory na paggamit ng face masks sa ikaapat na quarter ng taon.