CSC-Bicol, may babala sa mga gov’t employees na makikilahok sa mga partisan political activities

BICOL – KASABAY ng pagsisimula ng campaign period para sa May 2022 elections, nagbabala ang Civil Service Commission CSC-Bicol sa mga empleyado ng gobyerno na manatiling nonpartisan upang hindi maharap sa penalidad kabilang na ang suspensyon o pagkakasibak sa serbisyo.

Ayon kay CSC Bicol Regional Director Atty. Daisy P. Bragais, maaaring magbahagi ang isang civil servant ng kanyang saloobin ukol sa isang political candidate o party, subalit hindi dapat na makiisa sa kampanya pabor o kontra rito.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Hindi rin pinapahintulutan ang sinumang elective official at government employees na humingi ng monetary support o maging donasyon, campaign paraphernalia, at iba pang kontribusyon alinsunod sa Joint Circular CSC at ng Commission on Elections, gayundin ang pagsusuot ng campaign materials at lalong higit ang paggamit ng ari-arian ng gobyerno sa pangangampanya.

Pinaalalahan din ng opisyal ang mga ito na maging maingat sa pag-repost o share ng social media post o pagpapadala ng pribadong mensahe ukol sa isang kandidato at tiyakin na ito ay hindi mauuwi sa electioneering.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Aniya, kabilang kasi sa ikokonsiderang paglabag ng isang gov’t employee ay pagiging “publicly identified” sa isang kandidato.

Payo nito sa mga kapwa civil servants, tuparin ang mandato at manatiling ‘politically-neutral’ upang hindi mabahiran ng pulitika ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.