COVID-19 cases sa Catanduanes, patuloy pa rin sa pagbaba

COVID-19 cases sa Catanduanes, patuloy pa rin sa pagbaba

BNFM BICOL—Nasa 34 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa ulat ng Provincial Health Office as of February 14, 2022.

Sa naturang bilang, pito sa mga ito ang  mula  sa bayan ng Virac; anim sa San Andres; apat sa bayan ng Bato; tatlo sa Caramoran, San Miguel, Viga habang dalawa naman sa mga bayan ng Gigmoto, Pandan, Panganiban at Baras.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Pumalo na rin sa 3,166 ang mga kumpirmadong kaso ng sakit makaraang madagdagan ng walong mga bagong kaso nitong nakaraang araw, nasa 3,003 na rin ang mga nakarekober at nananatili naman sa 130 ang bilang ng mga nasawi.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito patuloy pa rin ang panawagan ng PHO sa publiko na matamang sundin ang mga umiiral na public health standards at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out upang mapanatili rin ang pagbaba ng kaso ng nakamamatay na sakit.###