Paggawa ng Enhanced Nutribun, pinalalawak pa ng DOST-Camarines Sur

NAGA CITY- Pinalalawak pa ng Department of Science and technology ang paggawa ng enhanced nutribun sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kompanya , kooperatiba at mga pagawaan ng tinapay.

Ayon kay Pat Felizmenio , Provincial Officer ng DOST CamSur sa ngayon may may isang pribadong bakeshop at isang kooperatiba sa Binanuaanan , Pili na nag po-produce na. Aprubado na rin ang Central Bicol State University of Agriculture at ilang bakery sa  Iriga City.  Target din na makatuwang pa ang ilang manufacturer.  Ginagamit na ang Food and Nutrition Research Institute technology upang malabanan ang malnutrisyon.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Bukod dito mayroon ding Iron Fortified Rice ang DOST kung saan susupplyan ang DepEd para sa mga mag-aaral.

Ang Nutribun ay bread product na sa elementary feeding program sa bansa upang malabanan ang malnutisyon simula 1970s.