7 patay, 14 missing matapos lumubog ang Spanish fishing boat sa Canada

Patay ang pitong tao habang missing ang 14 na iba pa matapos lumubog ang isang Spanish fishing boat sa east coast na sakop ng Canada

Ayon sa report, nagpapatuloy ang rescue operations habang tatlong crew member ang nailigtas.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Kabilang sa 24 crew ang 15 na Spanish, isang Peruvian at Ghanaian nationals.

Napag-alaman na ang tatlong survivor ay natagpuang sakay ng lifeboat kung saan pawang nakakaranas ng hypothermia ang mga ito.

Read More:  India’s air pollution worsens ahead of Diwali celebrations

Bagamat nangangamba kung mayroon pang mga survivors dahil sa sobrang lamig sa lugar, umaasa pa rin ang mga rescuers na mayroon pa silang maililigtas nang buhay sa mga nawawala.