Halos 2% na pagtaas sa ani ng palay naitala sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng mas mataas na ani ng palay ang lalawigan ng Sorsogon kumpara sa nagdaang taon.


Aabot sa 2% o may limang metriko tonelada kada ektarya na mas maraming naani ang mga magsasaka sa lalawigan.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental


Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nagkaroon ng aabot sa lagpas 150,000 metric tons ang kabuuang output ng produkto, pang-apat sa buong Bicol Region.


Sa pangkalahatan nakapagrehistro ang buong rehiyon ng lagpas 4% growth katumbas ng higit 1.3 million metric tons.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil


Sinabi naman ng pamunuan ng Department of Agriculture na ang dagdag na ani ay dahil sa sipag at pagsusumikap ng mga Bikolano at maaaring dala na rin iba’t-ibang tulong na naipamahagi ng ahensya.