BNFM BICOL—Patuloy sa pagbaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes makaraang walang maitalang bagong kaso ng sakit kahapon at madagdagan ng sampo ang bilang ng mga gumaling.
Batay sa pinaka latest na datus na inilabas ng Provincial Health Office, nasa 59 na lamang ang active cases sa naturang lalawigan mula sa 3,158 na mga naitalang kumpirmadong kaso.
Nasa 2,972 na rin ang bilang ng recoveries sa lugar habang nananatili naman sa 129 ang fatalities.
Kaugnay nito, mula sa 11 mga bayan sa lalawigan, ang bayan ng Virac at Caramoran ang nananatiling may pinakaraming aktibong kaso ng sakit na pawang may 14.
Sinundan ito ng Panganiban at San Andres na may tag pitong aktibong kaso; apat sa mga bayan ng Viga, San Miguel at Bato; dalawa sa Pandan habang tag-iisa sa mga bayan ng Bagamanoc, Gigmoto at Baras.###