Chinese scientists, bumuo ng ‘4-minute’ COVID test

Ibinahagi ng mga Chinese scientists na bumuo sila ng bagong Covid-19 testing device, na kayang magbalik ng accurate results sa loob ng apat na minuto, at accurate na tulad ng PCR tests.

Ayon sa mga manananaliksik mula sa Fudan University sa Shanghai, na kung lalo pa umano itong ma-develop, ang kanilang device ay maaring gamitin para sa testing sa mga airports, clinics, emergency departments at bahay.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Sinabi ng mga researchers na ang bagong test device ay gumagamit ng tiny mechanical components na gawa ng DNA na kombinasyon ng microelectronics, para madetect ang genetic material sa swab sample, at ma-convert ito bilang electrical signal.

Read More:  One killed, eight injured in attack on Saudi Arabia’s King Fahd airport

Ang naturang device ay kinokonekta sa computer o smartphone, para makita ang resulta. //MHEL PACIA-TRINIDAD