Nakatakdang magharap sina Lito “Thunder Kid” Adiwang at Jeremy “The Jaguar” Miado sa isang all-Filipino strawweight match sa March 26 sa ONE Championship.
Ang showdown ay kabilang sa ONE X, ONE Championship’s 10th anniversary event na magaganap sa Singapore Indoor Stadium, sa harap ng capacity crowd sa pinaka-unang pagkakataon, simula nang pandemya.
Ang 28-anyos na si Adiwang ng famed Team Lakay ng Baguio City na dalawang beses nang napasama sa top 5 sa strawweight, ay haharap nang may tapang, matapos magtamo ng heartbreaking losses kay Hiroba Minowa, at kamakailan kay Jarred Brooks.

Sa kabila nito, nanalo naman siya ng apat mula sa kanyang anim na laban, at nananatiling paring isa sa pinakamapanganib at explosive fighters sa division.
Samantala, si Miado naman ay mula sa dalawang knockout victories laban kay China’s Miao Li Tao. //MHEL PACIA-TRINIDAD