Proclamation rally, ikinasa ng mga prexy bets sa iba’t-ibang lugar

Kaliwa’t-kanan ang mga isinagawang naglalakihang proclamation rally ng mga presidential candidates, sa harap na opisyal nang nagsimula ang campaign period para sa mga tumatakbo sa national positions sa May 2022 election.

Kaugnay nito, tila hindi mahulugang karayon ang Philippine Arena sa Bulacan kung saan ginawa ang proclamation rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at runningmate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa kabila ng pandemya.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa Camarines Sur naman ginawa ang kampanya nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at running-mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Si Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno, ay pinuntahan muna ang Simbahan ng Sto. Niño sa Tondo at saka tumulak sa Divisoria at sa mga kalye ng Tondo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, si Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ay isinagawa ang proclamation rally sa kanyang bayang sinilangan sa Imus, Cavite.

Sa General Santos naman sinimulan ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang kampanya.

Bagama’t hindi nakakuha ng permit si Ka Leody De Guzman, ay tuloy parin ang motorcade pa-Bantayog ng mga Bayani, at doon nagtalumpati. //MHEL PACIA-TRINIDAD