Eksperto: Maaga pa para ibababa sa Alert Level 1 para sa COVID-19 ang NCR

Binigyang diin ni vaccine expert panel member Dr. Rontgene Solante na premature pa na luwagan ang COVID-19 community quarantine sa Metro Manila sa Alert Level 1, matapos ang February 15.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Ayon kay Solante, nananatili kasing mataas pa ang rate ng transmission, sa kabila ng bumababang bilang ng mga bagong kaso araw-araw.

Mungkahi nito, obserbahan muna ang susunod na dalawang linggo kung medyo maganda ang palo ng mga kaso.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Mababatid na simula noong February 1, ang daily number ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay nasa 6,800 hanggang 9,000. //MHEL PACIA-TRINIDAD