Printing ng balota di na uulitin matapos ang DQ ng ilang poll bets

Walang plano ang Commission on Elections na mag-imprinta ng mga bagong balota, sa kabila ng pagkakadiskwalipika ng ilang mga kandidato, matapos ag scheduled printing.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Comelec director Elaiza David na mananatili rin ang pangalan ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa official ballot face, anuman ang maging desisyon laban sa kanyang disqualification cases.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Dagdag ni David, wala ring instructions kung kinakailangan na mag-reprint ng mga balota na isasama ang mga pangalan ng mga ideneklarang nuisance candidates, sa kabila na nakakuha na sila ng temporary restraining order mula sa Supreme Court.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Mababatid na kasama sa official ballot face ang 10 presidential candidates, siyam na vice presidential candidates, at 64 na senatorial bets. //MHEL PACIA-TRINIDAD