Anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na sina Lucho, Luna, nabakunahan na vs COVID

Labis na natutuwa si Judy Ann Santos na ang kanyang mga anak na sina Luna at Lucho ay bakunado na laban sa COVID-19.

Nabatid na si Luna ay anim na taong gulang habang si Lucho ay 11-taong gulang naman.

Read More:  IU and Lee Jong Suk confirm breakup

Kaugnay nito, nagbahagi ang aktres ng mga larawan ng buong proseso na dinaanan ng kanyang mga anak para mabakunahan.

Sa gitna nito, ikinatuwa rin ni Judy Ann ang mga “pakulo” na ginawa ng mga doktor at nurses para ma-entertain ang mga bata, kung saan na Cocomelon mascots ang mga ito, habang ang mga babae ay naka-costume bilang sina Anna at Elsa mula sa animated film “Frozen”.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Kahapon, nang opisyal nang simulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga batang may edad lima hanggang 11-taong gulang sa Metro Manila. //MHEL PACIA-TRINIDAD