4 na senior aides ni UK Prime Minister Johnson, nagresign!

Nagbitiw sa puwesto ang apat na senior aides ni UK Prime Minister Boris Johnson sa gitna ng tumitinding pressure para mapababa siya sa puwesto.

Kinumpirma ni Director of Communications Jack Doyle ang kanyang pag-lis kasunod lamang ng Policy head na si Munira Mirza.

Read More:  Alhambra in Spain limits tourist access after series of earthquakes

Sumunod naman agad sina Chief of Staff Dan Rosenfield at Senior Civil Servant Martin Reynolds.

Inihayag ni Doyle na apektado ang kanyang pamilya sa mga nangyayari ngayon sa liderato ni Johnson pero nilinaw niyang nakaplano na talaga siyang umalis matapos ang dalawang taon.

Read More:  More than 100 reported dead in Central African Republic Gold Mine collapse

Nilinaw naman ng tanggapan ni Rosenfield na bagamat nagbitiw na ito sa puwesto, mananatili pa rin siyang nagtatrabaho hanggang hindi nakakaupo ang kanyang magiging kapalit.

Matatandaan na ilang linggo nang niyayanig ng mga isyu ang liderato ni Johnson sa kanyang sariling partido.