Camarines Norte walang Resbakunahan sa Botika

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga botika sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola wala umanong botika sa lalawigan ang nag- signify sa ngayon na sumali sa programang “Resbakunahan sa Botika” na layong makapagbigay ng COVID-19 vaccine sa eligible population.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

May mga dapat daw kasing gawing paghahanda para dito tulad ng sapat na tao at kung mayroon bang malawak na espasyo sa kanilang pasilidad para sa pagsasagawa ng vaccination activities.

Noong Enero ay sinimulan sa National Capital Region ang programang Resbakunahan sa Botika na nilahukan ng ilang malalaking drug store.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Pilot run pa lamang ito na plano ring palawigin sa mga lalawigan.

Sa ngayon ay dinadala na ng ilang LGU sa Camarines Norte ang bakunahan sa mga barangay.

Ito ay upang mapabilis ang pag abot sa herd immunity sa gitna ng patuloy na banta ng COVID- 19.