‘LeBron out muna hangga’t may pamamaga sa tuhod’ – Coach Vogel

Nagbalik na si Lakers superstar LeBron James sa Los Angeles, para simulan ang kanyang treatment sa kaliwang tuhod.

Ayon kay coach Frank Vogel, batay sa resulta ng MRI ni James, lumalabas na may “general swelling” sa tuhod nito.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Dahil dito, sinabi ni Vogel na hangga’t may pamamagang iniindi si James ay hindi muna ito makakapaglaro.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Si James ay out muna sa kanyang third straight game, nang dumalaw ang Los Angeles sa Atlanta Hawks noong Linggo.