Binalaan ng liderato ng Cyprus Orthodox Church ang kanilang mga pari na hindi pa bakunado na sususpendehin kapag patuloy na magmatigas ang mga ito na hindi magpabakuna.
Sinabi ni Archbishop Chrysostomos II na pauuwiin niya ang mga pari na magmamatigas na hindi magpabakuna at nangunguna pa sa pagtutol sa Coronavirus vaccine.

Kaugnay nito ay napag-alamang mayroong 27 mula sa 123 na mga pari ang hindi pa nababakunahan kabilang ang 15 na may exemption dahil sa medical reasons.
Binigyang diin ni Chrysostomos na posibleng patawan ng tatlo hanggang anim na buwang suspensyon ang mga pari na hindi susunod habang maaaring tuluyang alisan ng karapatan ang mga ito na magdaos ng misa.
Giit nito na “unprecedented” ang ginagawa ng ilang pari na hindi sumunod sa kanilang Chief Bishop.
Dagdag pa ni Chrysostomos na ilang pari ang hindi na sumusunod sa kanya dahil sa kanyang medical condition bagamat siya ay isang cancer survivor.
Tinawag din nitong “selfish motives” ang pagtutol ng mga pari at theologians na magpabakuna at ang pag-impluwensiya ng mga ito sa kanilang mga parishioners.