Nagluluksa ang Miss Universe organization, kabilang na sina dating Miss Universe Catriona Gray at Pia Wurtzbach, at ang Miss USA Organizations sa pagkamatay ni Miss USA 2019 Cheslie Kryst
Ayon sa ulat ng New York Post, nahulog mula sa isang 60-story building si Chesliesa New York City.
Saad ng organization, si Cheslie ay isa sa mga brightest, warmest, at most kind people na kanilang nakilala, kung saan binibigyang liwanag umano nito ang bawat kwarto na pinapasukan.
Sa huling Instagram post ni Cheslie, makikita ang kaniyang larawan na nakasuot ng itim at may caption na: “May this day bring you rest and peace.”

Samantala, hinimok naman ni Catriona ang publiko na lumapit sa mga kaibigan o pamilya, sakaling kailangan ng mental health support.
Kaugnay nito, nakidalamhati rin sina dating Miss Universe Pia Wurtzbach at Binibining Pilipinas Universe 2019 Gazini Ganados at Marian Rivera, na nakasama ni Kryst bilang isa sa mga judges sa Miss Universe pageant kamakailan.