National Vaccination Day para sa 5-11 taong gulang, iminungkahi

Iminungkahi ng Philippine Medical Association na magsagawa ng national vaccination day para sa pagbabakuna ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19.

Paliwanag ni PMA president Dr. Benito Atienza kailangan magkaroon ng National Vaccination Day upang makaliban ang mga magulang sa trabaho at masamahan ang kanilang anak sa vaccination sites.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Atienza dapat wala nang iisipan pa ang mga magulang sa vaccination day kundi ang kanilang mga anak.

Dagdag pa nito mahalaga ang mga magulang sa mismong araw ng pagbabakuna upang mabantayan ng husto ang mga bata.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Maliban dito iminungkahi din ni Atienza na magtakda ng vaccination sites na angkop sa mga bata katulad ng pagkakaroon ng maayos na bentilasyon, may play ground, at maglagay ng informational videos para di mainip ang mga batang magpapabakuna.