Special risk allowance ng mga healthcare workers may P1.1B pondo mula sa pamahalaan  

LEGAZPI CITY – Natutuwa ngayon ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital na mayroon na umanong makukuha na special risk allowance (SRA) ang mga medical at healthcare workers mula sa Pamahalaan.

Ayon kay Dr. Eric Raborar ang medical chief ng BRTTH, kahit hindi pa nito alam ang balitang may ibibigay na SRA para sa mga healthcare workers ay natutuwa na ito dahil sa marami pa rin ang umaasa na mabibigyan ng nasabing insentibo.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Aniya, marami kasi ang hindi umano nabigyan ng allowance mula sa gobyerno dahil sa inakala ng mga ito na mayroon pang maibibigay na pera nitong nagdaang taon.

Malaking tulong sa mga workers ang perang ibibigay na soecial risk allowance ngayon panahon ng pandemya.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Maliban pa rito nakakapagpataas ng moral sa medical Frontliner ang makukuhang allowances.

Samantala, aprobado na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-release ng P1.185 bilyong pondo para sa special risk allowance (SRA) ng healthcare workers na hindi pa nakakatanggap nito.