Mandatory facility-based quarantine requirement, inalis ng Malacañang

Inalis na ng gobyerno ang mandatory facility-based quarantine requirement para sa international travelers at returning overseas Filipinos (ROFs) na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Inihayag ito ng Palasyo matapos suspendihin ng gobyerno ang “green,” “yellow,” at “red” COVId-19 risk classifications para sa mga bansa, teritoryo at jurisdictions.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na kailangan na lamang ng international travelers at ROFs na magpresenta ng negatibong RT-PCR test na kinuha 48 oras bago ang kanilang departure mula sa country of origin.

Dapat rin silang mag-self monitor sa loob ng pitong araw mula sa petsa ng arrival.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Dagdag ni Nograles, required din sila na mag-report sa local government unit ng kanilang destinasyon oras na makaranas sila ng kahit anong sintomas.

Inaasahan naman na magiging epektibo ang bagong polisiya sa February 1, 2022.