DOH, inihayag na walang dapat ipangamba sa sub-lineage ng Omicron variant

Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pa ring dapat ipangamba ang publiko sa ngayon kahit pa na-detect at pre-dominant na sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang dalawang sub-lineage ng Omicron variant.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Ayon kay Health Sec. Fransisco Duque III, Omicron variant pa rin ito at wala pa namang lumalabas na datus kung ito ay mas mapanganib kumpara sa orihinal na Omicron variant.

Mababatid na kahapon ay iniulat ng ahensya na pre-dominant na ang BA.1 at BA.2 sub-lineage sa walong rehiyon sa bansa.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Samantala, kinumpirma rin ni Duque na nakikitaan na ng pagbaba ng kaso ng covid-19 sa National Capital Region (NCR). (CLAY MARQUEZ)