Gatchalian, hinimok ang DOE na tugunan ang problema sa kuryente kaysa ipasa ang sisi sa stakeholders

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy na tugunan ang posibleng pagnipis ng power supply sa bansa bago dumating ang panahon ng tag-tuyot nakasabay ng 2022 national at local elections.

Sa isang pahayag, ay ipinaliwanag ng chair ng Senate Committee on Energy na may legal na mandato at kapangyarihan ang DOE na pilitin ang industry players na sumunod sa mga polisiya nito sa energy security.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Gatchalian, nagmumukhang “inutile” ang DOE dahil sa pagpapasa nito ng sisi sa mga stakeholders.

Iginiit ng senador na trabaho ng ahensya na tiyakin sa publiko na magiging sapat ang power supply sa bansa.

Binigyang diin ni Gatchalian na lalo siyang kakabahan bilang isang kandidato sa darating na automated elections.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Anya, kapag nawala ang kuryente ay walang ibang makina ang makakabilang ng boto.

Matatandaan na tiniyak ng DOE sa publiko na hindi magkakaroon ng black outs sa panahon ng tagtuyot at sa May 9, 2022 elections.