Bilang ng mga indibidwal na naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban, umabot sa 370

Naiulat ng Philippine National Police na pumalo sa 370 ang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa gun ban na may kinalaman sa 2022 elections.

Base sa datos ng PNP, ay nadagdagan ng 27 ang bilang ng violators, at ang lahat ng mga ito ay pawang mga sibilyan.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Nakumpiska naman ng mga otoridad ang 16 na baril, 40 ammunition, at 10 deadly weapons mula sa mga bagong violators.

Naaresto ang mga nasabing indibidwal sa Quezon, Rizal, Zamboanga del Sur, Leyte, Cebu City, Iloilo, Negros Occidental, Bataan, Cagayan, Sultan Kudarat, Ilocos Sur, Pangasinan, Parañaque, Valenzuela, Malabon, Pasig, Navotas, Manila, at Quezon City.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Pumalo naman sa 42,957 checkpoint operations ang naisagawa ng pulisya mula nang mag-umpisa ang implementasyon ng gun ban noong January 9.