Pagbabalik ng Libreng Sakay, pinag-aaralan – LTFRB

KORONADAL CITY — PINAG-AARALAN sa ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Central Office ang posibilidad na ibalik ang Libreng Sakay para sa mga healthcare workers at authorized person outside residence o APOR sa mga public utility vehicles o PUVs sa buong bansa.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ito ang kinumperma ni LTFRB-12 Regional Director Reynato Padua panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon sa opiyal, nasa ilalim ito ng service contracting kung saan central office ang nagpo-proseso ng mga dokumento na kinakailangan sa programa.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Matatandaan na maraming mga APOR at health workers ang nakabenipisyo sa nasabing programa.