3 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Milagros, Masbate; paghihiganti, tinitingnang motibo sa krimen

SORSOGON CITY – Tinitingnan ngayon ng Milagros Police ang motibong ‘vengeance’ o paghihiganti sa pamamaril sa mga biktima sa Brgy Capaculan ng nasabing bayan.

Sa ekslusibong impormasyon na nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon, tatlo sa mga biktima ay mga akusado sa kasong Murder, binabaan ang mga ito ng kani-kanilang warrant of arrest noong Abril 2021 subalit sa patuloy na pagdinig sa kaso ay ibinaba ng Korte sa Homicide ang kaso kung kaya’t nakapag-piyansa ang mga akusado na sina Niṅo Cataga Rosero, sugatan; Benjie Padalhin Cataga, patay at Artemio Etcobanes Cataga, sugatan sa nasabing pamamaril.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang dalawa pang nasawi ay kinilalang sina Jonel Dematillo Verona at Jeddah Raven Rosero Dizon habang sugatan din sina Juanito Dumagit Cataga at Michelle Padalhin Cataga at Felomina Dizon.

Kung babalikan, gabi noong Sabado, Enero 22 ay pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay ng mga biktima na pawang mga magkakamag-anak at tinatayang 300 metros lamang ang distansiya ng bahay ng bawat isa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Una umanong pinasok ang bahay ng pamilyang Rosero kung saan dalawa ang naiulat na nasawi at dalawa ang sugatan dito habang sa pamilyang Cataga naman ay isa ang nasawi at tatlo ang sugatan.

Ang mga suspek ay armado ng M16 rifle, 9mm at 45 caliber pistol.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Milagros Police sa nasabing krimen.