Mga lumabag sa ‘no vax, no ride’ policy, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga violators ng “No vaccine, no ride” policy, kumpara noong unang araw ng pagpapatupad nito.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), na batay sa Inter Agency Council for Traffic, bumaba ang bilang ng mga lumabag sa walo, mula sa 160 na naitala noong Jan. 17.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Sinabi ni PNP chief PGen. Dionardo Carlos, na isang malaking senyales ito na dahan-dahang nag-aajust ang publiko sa polisiya.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Dagdag ni Carlos, napansin rin nila ang pagtaas ng kooperasyon mula sa unvaccinated individuals.

Samanatala, inihayag ng PNP chief na minaximize rin ng PNP ang kanilang checkpoints, para i-inspect, kung sumusunod ba ang public vehicles sa limitasyon ng maximum capacity. //MHEL PACIA-TRINIDAD