Pilot run ng ‘Resbakuna sa Botika’ program, matagumpay – NVOC

Inihayag ni National Vaccination Operations Center Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na naging matagumpay ang pilot run ng ‘Resbakuna sa Botika’ program ng pamahalaan.

Ayon kay Cabotaje naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa bakunahan sa botika kung saan umabot sa 1,860 ang mga nabakunahan ng booster dose sa dalawang araw na implementasyon ng programa.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Nakatakda namang isailalim sa evaluation ang unang linggo ng Resbakuna sa Botika bago ipatupad ang phase 2 nito sa buong National Capital Region.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Pinag-iisapan naman ng gobyerno na gawin ang vaccination drive sa mga pharmacies sa Region 3 at Region-4A na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Samantala sinabi ni Cabotaje na ang phase 3 ng programa na gagawin nationwide ay posibleng maipatupad sa ikalawang linggo ng Pebrero.