Mga contract of service at job order employees ng LGU-San Andres sa Catanduanes, tumanggap ng “gratuity pay”

BNFM BICOL–        Tumanggap ng “Gratuity Pay” ang mga Contract of Service at Job Order employees ng LGU-San Andres sa lalawigan ng Catanduanes matapos na matanggap ng lokal na pamahalaan ang Administrative Order No. 461 mula sa National Government.

Sa ilalim ng nasabing A.O, ipinag-uutos na mabigyan ng P5,000 halaga ng bayad ang mga COS at JO workers na nagtrabaho ng dalawa hanggang apat na buwan bago ang pagsapit ng December 15, 2021.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Matapos na matanggap ang nasabing kautusan, agad namang minandohan ng alkalde sa naturang bayan ang kanilang Municipal Budget Office na maglabas ng pondo para ibigay sa mga nasabing empleyado.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Matatandaang ang A.O No. 461 o kilala rin bilang “Authorizing the grant of Gratuity Pay to Contract Of Service (COS) and Job Order (JO) workers in government for fiscal year 2021” ay ipinag-utos ng kasalukuyang administrasyon na nilagdaan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea.###