Palawan, nakapagtala na ng unang kaso ng Omicron variant na isang fully vaccinated

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na nakapagtala na ng unang kaso ng Omicron Variant sa lalawigan.

Ito ay matapos na iulat ng DOH MIMAROPA sa Provincial Health Office kahapon, January 17, 2022

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, ang pasyente ay isang 26 anyos na babae na mula sa bayan ng El Nido na umalis sa lalawigan noong ika-24 ng Disyembre para pumunta ng Manila at bumalik nitong ika-6 ng Enero.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Idinagdag ni Cojamco na nag-negative ito sa RT PCR Test result noong ika- 29 ng Disyembre at nakauwi na may negative Antigen test result.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nag-quarantine din ito ng 7 days sa quarantine facility ng munisipyo ng El Nido.

Ayon pa kay Cojamco, lahat ng mga isinailalim sa RT-PCR Test ay isinalang din Random Genomesequencing at sa resulta doon nalaman na positibo ito sa Omicron variant.

Samantala, sa kabila nito ay iniulat din na nakarekober na ang babae.