Bagong kaso ng Covid-19 sa lalawigan sumirit; isang fatality muling naiulat

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng ‘record high’ na bagong kaso ng Covid-19 sa 138 nitong Lunes, Enero, 17 sanhi para umakyat sa kabuuang bilang ang aktibong kaso sa 616.

Sa kabuuang bilang ng aktibong kaso, ang 478 dito ay nananatiling may sakit pa dahilan para makapagtala ang lalawigan ng 72.05 ‘attack rate.’

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nadagdagan din ng isang pagkasawi o kabuuang 444 death toll (mula March 2020 – Jan 17, 2022) na katumbas ng 6.10 fatality rate.

Base sa ulat ng DOH-Bicol, may kabuuang tatlo na ang nasawi sa lalawigan sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo sa buwan ng Enero.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

May naitala namang nasa 35 na gumaling sa nasabing sakit o kabuuang 6,215 dahilan ng mataas pa rin ang recovery rate ng lalawigan na nasa 85.43%.