126 na unibersidad, nagpatupad ng academic break

Sumailalim sa academic break ang nasa 126 na unibersidad mula nang sumipa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Commission on Higher Education chair Prospero De Vera III na may ilang unibersidad ang nauna nang nagpatupad ng academic break kahit hindi pa naitataas ang Alert Level 3 sa ilang lugar.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Ipinunto niya na inimplementa ito ng 126 na unibersidad, na karamihan ay nasa National Capital Region, at Calabarzon sa simula pa lang ng January.

Dagdag ni De Vera, meron pang mahigit 123 unibersidad ang nakatakdang magdeklara ng academic break pagsapit ng katapusan ng January.

Read More:  Escudero open to Supreme Court review of 16-vote impeachment rule

Nilinaw naman ni De Vera na hindi naman kinakailangan ang pagpapatupad ng academic break, ngunit nakadipende pa rin sa desisyon ng mga unibersidad kung pansamantala nitong pahihintuin ang mga school activities.