CHED chair De Vera, nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera III na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni De Vera na infected ng virus ang buong pamilya niya, at kasalukuyan na siyang naka-quarantine sa kanilang bahay.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ayon kay De Vera, nakararanas siya ngayon ng mild symptoms.

Ibinahagi rin niya na natanggap na niya ang kaniyang booster shot laban sa COVID-19 noong January 3.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Inihayag naman ng opisyal sa isang Facebook post na inabisuhan na niya ang mga nakasalamuha niya na mag self-quarantine, mag-monitor ng mga sintomas, at magpa-test.