PCSO, sinuspende ang lotto draws mula Jan. 10-12

Sinuspende ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lotto draws mula January 10 hanggang 12, kasunod ng spike sa bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Ayon sa PCSO, ang suspension ay para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at publiko.

Samantala, sinabi naman ng pamunuan na mga mga lotto outlets ay mananatiling bukas para sa mga gustong bumili ng tiket para sa digit/jackpot games, keno, at instant sweepstakes.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Kaugnay nito, mananatili ring operational ang small town lotteries sa mga lugar na otorisado ng local government. //MHEL PACIA