9 patay sa diarrhea sa Dinagat at Siargao matapos ang pagtama ng Odette – DOH Caraga

Siyam ang patay habang daan-daan ang nagkasakit ng diarrhea sa ilang lugar na tinamaan ng Bagyong Odette noong nakaraang buwan.

Ayon sa Department of Health – Caraga, dehydration mula sa diarrhea ang sanhi ng pagkamatay ng siyam na katao sa Dinagat Islands at sa kalapit nitong isla na Siargao.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Tinatayang nasa 895 na kaso naman ang napaulat mula nang tumama ang bagyo, kung saan ang karamihan ay nawalan ng tirahan.

Ipinunto ni DOH Caraga spokesperson Ernesto Pareha na minamadali na ng gobyerno ang pagbuo ng emergency water treatment facilities.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kasabay nito ay nagbabala ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) na posibleng magkaroon ng health crisis sa mga apektadong lugar habang hirap pa rin ang milyon-milyon na makahanap ng malinis na tubig at pagkain.