Pinsala ng Odette sa agrikultura, lampas P11-billion na – DA

Lampas na sa P11-billion ang tinamong pinsala ng agrikultura mula sa pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao noong Disyembre.

Sinabi ng Department of Agriculture na naapektuhan ng naturang kalamidad ang 389,316 na magsasaka at mangingisda.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Umabot ang production loss ng sektor sa 252,956 metric tons (MT).

Naapektuhan rin ng bagyo ang 420,465 na ektarya ng agricultural areas sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Kabilang naman sa na-wipe out na agricultural commodities ng bagyo ay ang bigas, mais, high value crops, niyog, sugarcane, livestock, at fisheries.