Paanakan sa PGH, ipasasara pansamatala sa gitna ng pagdagsa ng COVID-19 patients

Pansamantalang ipasasara ng Philippine General Hospital (PGH) ang maternity ward nito sa gitna ng pagdagsa ng COVID-19 patients at shortage ng hospital staff.

Sinabi ni PGH spokesperson Jonas Del Rosario na plano nilang isara ang paanakan ng ospital sa loob ng 24-48 oras upang mabigyan sila ng oras na mag-recalibrate.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ipinunto ni Del Rosario na marami na silang tinanggap na kababaihan na may COVID, habang ang ibang ospital naman ay ayaw tumanggap ng mga pasyente na infected ng virus.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Dagdag niya, kailangan muna nilang mag-discharge ng mga pasyente, dahil sobra-sobra na ang kanilang bilang.

Iginiit rin ni Del Rosario na marami sa kanilang staff ang nagkasakit matapos nilang magka-COVID noong holiday.