Binata arestado sa Legazpi City, dahil sa failure to receive summon sa kanyang tatlong kasong paglabag sa violence against women and their children

LEGAZPI LEGAZPI CITY – Arestado ang binata sa Barangay Bitano lungsod ng legazpi dahil sa failture to receive summon sa kanyang kinakaharap na tatlong kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children.

Kinilala ang akusado na si Charlo Apuli Reñevo, 39 anyos residente ng Purok 8, Sitio Anunang Barangay Homapon ng nasabing lungsod.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa report, hapon ng matagpuan ng mga kapulisan ang akusado sa nabanggit na lugar na bibit ng mga ito ang warrant of arrest na pirmado noong Nobyembre 19, 2019 sa nasabing kaso.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Aabot sa P72K ang inirekomenda piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Reñevo ay dinala sa Legazpi CPS para sa kaukulang disposisyon.