Flag raising ceremony muli nang isinagawa ng ilang LGU sa Albay matapos ang 11 buwan suspension nito dahil sa banta ng COVID-19

BNFM BICOL- Muli nang nagsagawa ng Flag Raising Ceremony ang ilang lokal na gobyerno sa lalawigan ng Albay matapos ang 11 buwan na pagpapaliban ng pagsasagawa nito dahil sa banta ng COVID 19 transmission.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM Bicol, kahapon unang Lunes ng taong 2022 ay ikinasa nang muli ng lokal na pamahalaan ng Camalig Albay ang nasabing seremonya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dinaluhan naman ito ng mga empleyado, at mga personahe ng LGU kung saan mahigpit pa  ring ipinatupad ang minimum public health standards.

Kasabay nto ang pagbibigay ng mensahe ng alkalde ng naturang bayan kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng patuloy na pagrespeto, pagmamahal, pagiging mabuti at pagseserbisyo sa publiko.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Tiniyak naman ng opisyal na magiging mas epektibo ang serbisyo ng lokal na gobyerno ng Camalig sa mga nasasakupan nito ngayong taon.###