Warriors of light mula sa iba’t ibang probinsya, dumating na sa Roxas Palawan

Dumating na sa Roxas, Palawan ang mga Volunteers na tinuguriang warriors of light o mga lineman mula sa iba’t ibang probinsya sa Bansa.

Ito ay kinabibilangang ng kooperatiba mula sa Batangas (BATELEC), QUEZON (QUEZELCO) at mula sa Laguna (FLECO).

Maliban dito, dumating na rin ang mga electric cooperative mula sa rehiyon ng MIMAROPA na kinabibilangan ng Romblon (ROMELCO), Marinduque (MARELCO), Tablas Island (TIELCO). At mga volunteers mula sa Busuanga Island.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang mga ito ay magsisilbing backup ng PALECO sa pag-aayos ng mga poste at mga linya ng kuryente na nasira ng bagyong Odette.

Ayon naman sa Paleco Roxas Satellite Office, sa pamamagitan ng TASK FORCE KAPATID o ang pagtutulungan ng iba’t ibang kooperatiba ay mapapabilis na maisaa yos at maibalik ang daloy ng kuryente sa Bayan ng Roxas, Palawan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala, inaasahan din na bago ang Buwan ng Pebrero (2022) ay magkakaroon na ng kuryente ang poblacion area ng munisipyo.

📷 Moises Arzaga Jr 

35353 SharesLikeCommentShare