Kasama sa iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad na posibleng ginahasa ng suspek ang ina na kasamang pinaslang sa Sitio Upper Bubog, Barangay Amas, Brooke’s Point, Palawan.
Ayon kay PLt. Narzelito Avanceña ng Brooke’s Point-PNP , wala nang suot paibaba ang biktimang babae , natagpuan din ito na may mga taga sa iba’t ibang katawan at putol na ang kamay na maaring nanlaban pa sa suspek.
Habang patay din ang anak ng biktima nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan.Kinumpirma rin ng PNP na mayroon nang sinusundang person of interest sa pagpaslang sa mag-ina.
Matatandaan, January 2 ganap na 1:00 ng madaling araw naganap ang pamamaslang sa isang 17 anyos na ina at anak nito na lalaki ay mahigit 1 taong gulang pa lamang na residente rin sa lugar.