Nabigyan na ng cash assistance mula ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Palawan ang walong libo pitong daan at walumput siyam (8,798) households na matinding naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay Eric Aborot ng DSWD-Palawan, ang bawat households ay nakatanggap ng limang libong piso (P5,000.00). At ang mga nabigyan ay 2,959 mula sa Bayan ng Araceli, Dumaran 1,893, Taytay 714, San Vicente 609 at Bayan ng Roxas ay 2,623 households.
Natakatanggap na rin ang dalawang libo at walumput tatlo (2,083) na households sa Lungsod ng Puerto Princesa para rin sa Cash Assistance.
Dagdag pa ni Aborot, nagsimula ang kanilang assessment noong December 28, 2021 habang nag-start naman ang payout ay December 30, 2021 na kung saan ang priority ay ang mga totally damage ang mga bahay ng mga pamilyang walang mapagkukunan ng pinansyal.
Matatandaan, December 17 2021 matinding hinagupit ng bagyong Odette ang bahaging Norte ng lalawigan na kung saan marami ang nawalang ng tirahan.