Aktibong kaso ng COVID-19 Sa Koronadal, 5 na lang

KORONADAL CITY- LIMA na lamang ang aktibong kaso ng COVID -19 sa Koronadal.

Ito ang pinakahuling datus na naitala ng Data Monitoring Center ng lungsod kung saan may tig-isang kaso na lamang ang mga barangay ng Zone III, Sta.Cruz, Morales, Caloocan, at San Jose at wala namang pending RT-PCR test result na hinihintay sa nakaraang dalawang araw.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Sa kabuuan ay mayroong 6,329 na kaso ng nasabing karamdaman ang naitala sa lungsod mula Marso 2020.

6,073 dito ang recoveries at 251 naman ang COVID-19 related deaths.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Umabot naman sa 178,542 o 132 % ng 135,297 na target population upang maabot ang herd immunity, ang nabakunahan na sa lungsod.

76% dito o 103,910 ang partially vaccinated at 56% o 75,632 ang fully vaccinated.