Siargao Airport terminal ‘totally damaged’ ayon sa ilang mambabatas

Iginiit ni Surigao del Norte First District Representative Francisco Jose Matugas II na “totally damaged” na ang Siargao Airport dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Matugas na base sa impormasyon na nagmula sa officer-in-charge ng paliparan na si Richard Alas, ay katakot-takot ang naging epekto ng nasabing weather disturbansa sa Siargao, na isang sikat na tourist destination.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Ipinunto naman ng mambabatas na cleared na ang runway ng paliparan mula sa mga debris.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Dahil diyan ay maari na aniya magtungo ang mga eroplano at choppers doon para maghatid ng relief goods.