Angel Locsin, nakiisa sa relief drive para sa Odette victims

Nakiisa ang aktres na si Angel Locsin sa mga relief efforts para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Nitong Biyernes ay dumaan ang 36-anyos na si Locsin sa volunteer center ng isang presidential aspirant upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Mababatid na matagal nang tumutulong si Angel sa mga biktima ng iba’t-ibang sakuna.

Dati na rin niyang pinangunahan ang relief operations para sa frontliners at sa ilang komunidad na matindi ang naging epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Michelle Vito and Enzo Pineda get engaged after 7 years together

Matatandaan na nakasama si Angel sa Forbes Asia’s “Heroes of Philantrophy” noong 2019, at nitong buwan lamang ay kinilala siya bilang isa sa “Most Influential: individuals ng Tatler Asia.