Mga sasali sa 2nd round ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ exempted sa trabaho – Palasyo

Inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinter Secretary Karlo Nograles na magiging exempted sa trabaho ang mga empleyado na lalahok sa second round ng national vaccination days mula December 15-17.

Sinabi ni Nograles na nagsisilbi rin bilang tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na hindi dapat markahang absent ng employers ang mga tauhan nito na nangangailangan ng bakuna.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Iginiit ni Nograles na pwede naman magpresenta ng pruweba ang mga empleyado na may schedule ang mga ito sa pagpapabakuna.

Matatandaan na unang isinagawa ang “Bayanihan, Bakunahan” mula November 29-December 1 kung saan ay nabakunahan ang tinatayang nasa 8-million ng 9-million na target.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Napalawig naman ito hanggang December 3 na dahilan para umabot ang coverage nito sa halos 10-million.

Base sa datos ng gobyerno ay nagawa ng Pilipinas na ma-fully immunize ang tinatayang nasa 38.6-million ng 77.1-million ng target population mula nang mag-umpisa ito noong Marso.