Vaccination targets ng Pilipinas, posibleng matamaan sa unang quarter ng 2022

Naniniwala ang ilang health reform advocate na posibleng matamaan ng gobyerno ang target nito na mabakunahan ang 70-90-percent ng populasyon sa unang quarter ng 2022.

Sinabi ito ni Dr. Tony Leachon, na dating nagsilbi bilang adviser ng COVID-19 task force.

Ayon kay Leachon, masasabing protektado na ang mga tao na nasa business areas sa CALABARZON, Central Luzon, at National Capital Region kung nakamit na natin ang 50-percent protection rate.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Gayunman, ipinunto ni Leachon na malayo pa ito mangyari kung national na ang pag-uusapan dahil sa problema sa logistics sa Visayas at Mindanao areas, kung saan ay mataas aniya ang vaccince hesitancy.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Iginiit naman ni Leachon na dapat ay sikapin pa rin ng gobyerno na matamaan ang target nito na mabakunahan ang 90-percent ng populasyon sa lalong madaling panahon, sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 Omicron variant sa buong mundo.