Azkals, talo sa Singapore sa pagsisimula ng AFF Suzuki Cup; 2-1

Nabigo ang Philippine Azkals kontra sa host na Singapore sa score na 2-1, para sa pagsisimula ng kampanya nila sa 2020 AFF Suzuki Cup nitong Miyerkules na ginanap sa National Stadium, Singapore.

Matapos maging goalless ang parehong team sa first half, ay nakagawa ng puntos si Hariss Harun sa 61st minute na dahilan upang makuha ng home team ang 1-0 advantage laban sa mga Pilipino.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Wala pang tatlong minuto ay binigyan ng winger na si Faris Ramli ng 2-0 cushion ang mga Singaporeans sa pamamagitan ng goal nito sa 63rd mark.

Read More:  Alex Eala advances to Hong Kong Open semifinals after defeating Croatia’s Antonia Ruzic

Naipasok naman ni United City FC midfielder Amin Nazari ang unang goal ng Pilipinas sa 69th minute.

Ang Singapore ngayon ang nangunguna sa Group A na may malinis na 2-0-0 slate habang nasa ikaapat naman ang Pilipinas hawak ang 0-0-1 win-draw-loss card.